Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na umiiral sa bansa ang intertropical convergence zone (ITCZ).

Nakakaapekto ito sa silangang bahagi ng Visayas at silangang bahagi ng Mindanao.

Ibig sabihin, asahan ang kalat-kalat na mga pag-ulan o thunderstorms lalo na sa Samar, Leyte, Caraga Region, Northern Mindanao at Davao Region.


Ang Luzon kasama ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon kung saan mainit at maalinsangan sa tanghali habang may posibilidad ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Samantala, ngayong buwan ng Hunyo ay inaasahang isa hanggang dalawang bagyo ang papask sa Philippine Area oof Responsibility (PAR).

Facebook Comments