Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

53

Lumakas muli ang epekto ng northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – halos buong bansa ay mararamdaman ang epekto ito.

Mahihinang ulan din ang hatid ng amihan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon at Bicol Region.

Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magiging maaraw.

Sa Visayas, Mindanao at Palawan ay magiging maaliwalas ang panahon maliban sa mga panandaliang ulan.

Dahil sa epekto ng amihan, ang hilaga at silangang baybayin ng bansa ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Facebook Comments