Apektado ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang buong Mindanao ngayong araw.
Kaya naman, asahan na ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Soccskasargen, BARMM, Zamboanga Peninsula, Western Visayas at Palawan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng bahagyang maulap na kalangitan at mga isolated rainshowers.
Ang temperatura sa Metro Manila ay nasa 25-36 degree Celsius, sa Cebu, 27-34 at Davao, 232.
Sunrise – 5:26 A.M.
Sunset – 6:23 P.M.
Samantala, mas humahaba na ang oras ng araw kaysa sa gabi.
Ayon sa DOST-PAGASA, ang longest day at shortest night ng taong 2019 ay mangyayari sa Biyernes, June 21, kasabay ng “summer solstice.”
Ang daytime ay magtatagal ng 12 hours and 59 minutes sa June 21 kung saan ang araw ay sisikat ng 5:28 ng umaga at lulubog ng 6:27 ng gabi.
Magiging hudyat din nito ng summer season sa northern hemisphere ng daigdig.
Inaasahang magtatagal ang mahabang daytime sa loob ng tatlong buwan.
Ang summer solstice ay kabaligtaran ng winter solstice kung saan maikli ang araw at humahaba naman ang gabi.