Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Walang bagyo na nakakaapekto sa loob ng bansa ngayong araw.

Tanging ang weather system na intertropical convergence zone (ITCZ) ang nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.

Ang ITCZ ay magdudulot ng mahina at katamtamang pag-ulan.


Sa Metro Manila, maaliwalas ang mararanasang panahon hanggang mamayang tanghali pero may mga tiyansa ang pag-ulan sa hapon o gabi.

Mataas ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw na nasa 27 – 36, sa Cebu ay nasa 26 – 34 at sa Davao ay nasa 25 -33.

Sunrise – 5:26 AM

Sunset – 6:23 PM

Facebook Comments