Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Intertropical convergence zone o ITCZ pa rin ang patuloy na nakakaapekto sa bansa partikular sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Kaya naman, asahan na ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may mga pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Mimaropa, Visayas at Mindanao.

Habang ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon ngayon araw.


Sunrise – 5:26 A.M.

Sunset – 6:23 P.M.

Facebook Comments