Papangalanang “Dodong” ang binabantayang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibilities na posibleng maging bagyo sa linggo.
Namataan ito sa layong 1,220 kilometro silangang bahagi ng Mindanao.
Magdadala ito ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao ngayong araw.
Sa bahagi naman ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay asahan pa rin ang maiinit at maalinsangang panahon at may posibilidad na magkaroon ng mga panandaliang buhos ng ulan na dulot pa rin ng mga localized thuderstorm.
Sa Kabisayaan naman asahan din ang magandang panahon na may kasamang mainit at maalinsangang panahon at posible rin ang mga isolated thunderstorm.
Facebook Comments