Lagay ng panahon ngayong umaga, alamin!

Patuloy na nagpapaulan ang Low Pressure Area (LPA) o dating bagyong Chedeng sa malaking bahagi ng Mindanao.

Huling namataan ang LPA sa layong 145 kilometers silangan – timog silangan ng Zamboanga City.

Mararamdaman pa rin ang ulang dala nito sa Sulu archipelago, Zamboanga Peninsula at Davao Region.


Maging sa natitirang bahagi ng Mindanao ay may mga mahihinang ulan pa ring mananaranasan.

Sa Visayas, may mga ulan sa Aklan at Capiz.

Maaliwalas ang panahon sa buong Luzon maliban sa Southern Palawan.

Sunrise: 6:00 ng umaga

Sunset: 6:07 ng gabi

Facebook Comments