Lagay ng panahon ngayong umaga, alamin!

75

Malamig na umaga at gabi ang asahan sa Luzon dulot pa rin ng northeast monsoon o hanging amihan.

Bukod dito, magdadala rin ito ng mahihinang ulan sa Cagayan Valley habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon.

Sa Visayas at Mindanao ay magiging maaraw at mainit lalo na sa tanghali at hapon.

Malamig na 14°C ang temperatura ngayon sa Baguio City habang nasa 20°C ang Tagaytay City.

Agwat ng temperatura sa mga pangunahing metropolitan areas sa bansa:
– Metro Manila: 23-31°C
– Metro Cebu: 23-28°C
– Metro Davao: 22-30°C

Facebook Comments