LAGAY NG PANAHON SA ArAW NG LINGGO, MAY 8, 2022

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet at Aurora dulot ng easterlies/lokal na mga pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan ang iiral sa hilagang luzon at sa lalawigan ng Aurora.
Ang mga baybaying-dagat ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Wala namang nakikitang LPA o namumuong sama ng panahon kaya magpapatuloy ang magandang panahon hanggang sa araw ng eleksyon.

Maximum temperature: 34.0°c
Minimum temperature: 25.5°c
Sunrise today: 05:24 am
Sunset today: 06:16 pm
#ifmnews
Facebook Comments