Naglabas nito lamang ang pamunuan ng DOST-PAGASA ng impormasyon kaugnay sa lagay ng panahon o climate outlook ng bansa sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Ayon sa datos, nasa isa hanggang dalawang bagyo pa ang maaaring mabuo o makapasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nasa 41 hanggang 80 percent ang rainfall condition, katumbas ay below normal na kategorya. Ito ang pagtukoy kung ang lugar ay makakaranas ng light, moderate o heavy rains sa loob ng inaasahang oras.
Ilan pang mga salik ang maaaring makaapekto ng lagay ng panahon sa bansa tulad na northwest monsoon, localized thunderstorms, shearline, easterlies at iba.
Samantala, pinapayuhan ng otoridad sa pangunguna ng PDRRMO ang mga Pangasinense na maging handa sa maaaring mga epekto ng lagay ng panahon ngayon at manatiling updated sa mga napapanahong at bagong weather advisories. |ifmnews
Facebook Comments