Manila, Philippines – Mabagal at halos hindi kumikilos ang tropical storm Urduja na inaasahang magla-landfall sa pagitan ng Northern at Eastern Samar ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo nasa 215 km east ng Borongan City, Eastern Samar at taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kph at pagbugsong aabot sa 90 kph.
Inaasahang kikilos ang bagyong Urduja sa pakanluran-hilahang kanluran na may bilis na 7 kilometro bawat oras.
Dahil dito, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran
Signal number 1 naman sa Catanduanes, Camarines Norte at Sur, Albay,Sorsogon, Romblon,Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands,Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, Capiz, ,Aklan, Northern Iloilo, Northern Negors Occidental, Northern Bohol at Dinagat Islands.
Isang low pressure area naman na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.
Samantala, walang pasok all levels sa lalawigan ng albay gayundin sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Biliran.