Sa kaliwa’t kanang paggalaw ng lupa o lindol nitong nakaraang araw sa Pilipinas mas lalong naging alerto at handa ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) .
Ayon kay Earthquake Focal person PDRRMC Mr. Ronn Dale Castillo, ang lindol ay posibleng mangyari ano mang oras sa kahit saang lugar sa Pangasinan. Aniya wala umanong dapat ikabahala ang mga Pangasinense ukol sa dam na naririto sa Probisniya dahil matibay ang pag kakagawa ng mga ito at kaya nito hanggang magnitude 9 dahil gawa ito sa matibay na materyales.
Tinitignan din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kung maaaring makaapekto ang isang fault line sa mag kaibang sistema. Sa ngayon binabantayan pa ng ahensya ng PHIVOLCS ang Eastern Pangasinan San Manuel fault. Wala pang petsa kung kailan mag sasagawa ng Earthquake Drill dahil nakikipag ugnayan pa ang PDRRMO sa Department of Education (DepEd) upang mag sagawa sa lahat ng paaralan.
Nag paalala din si Castillo na mas epektibo at subok na ang duck, cover and hold at hindi ang Triangle of Life na “hoax” o haka haka lamang dahil hindi ito scientifically proven.
Dagdag pa ng PDRRMO wala pang naiimbentong kagamitan o teknolohiya kung kailan at kung saan tatama ang lindol kaya payo nila mag doble ingat para sa kaligtasan ng lahat.
Ulat ni Ma. Leonora Ulanday [image: 51454206_380912896034863_9003750134009298944_n.jpg]
Lagay ng Pangasinan, dulot ng sunod sunod na lindol sa bansa
Facebook Comments