LAGAY NG SPORTS SA BANSA | Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, aminadong masama ang loob

Manila, Philippines – Hindi maiwasan aminin ni Rio Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz na nakakalow-morale ang bagal at tagal ng dating ng pagbabago sa Philippine sports.

Sa panayam ng DZXL sa beteranang weightlifter, dapat may malasakit ang mga namumuno sa Philippine sports sa pangangailangan ng mga atleta gaya ng kanilang pagkain, tirahan, training facility, mga kagamitan at iba pa.

Sabi pa ni Diaz, 2004 pa siya nagsimula magsanay sa gym sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex pero hanggang ngayon wala pa siyang nakikitang pagbabago.


Kahit nanalo siya ng silver medal sa Rio de Janeiro Summer Games ay wala pa rin natutupad sa mga ipinangako sa kaniya.

Kung hindi pa raw siya nagpost ng kaniyang sama ng loob sa social media ay hindi pa raw siya sasabihan na may nanalong bidder na aayusin ang gym ng RMSC sa loob ng tatlong buwan.
11 na dignitaries, nagtipun-tipon para sa 7th ASEAN Cooperative Business Forum

Manila, Philippines – Inilunsad ngayon sa lungsod ng Maynila ang 7th ASEAN Business forum na pinangangasiwaan ng Cooperative Development Authority sa ilalim ng Office of the President.

Mahigit 200 delegado mula sa mga bansang kasapi ng Association of South East Asian Nations ang lumahok sa 4-na araw na summit kung saan ipinakikita ang mga natatanging produkto at serbisyo ng Pilipinas.

Layon nito na makapagpalabas ng deklarasyon na nagpapakita ng matatag na commitment ng mga kasapi na masawata ang sobrang kahirapan at gutom lalo na sa hanay ng mga maliliit na magsasaka, mga katutubo, at mga mangingisda na nagsu-supply pagkain at pangangailangan ng mga mamamayan sa Asya at buong mundo.

Isulong ang Social Solidarity Economy sa pamamagitan ng Cooperativism, Sustainable Agricultural Technologies at lokal na industriya.

Ang paglulunsad ng 7th ASEAN Cooperative Business Forum ay sinaksihan ng 11 dignitaries.

Facebook Comments