Lagda ng alkalde ng San Carlos, Negros Occidental, pineke para sa tatlong ghost flood control projects ng DPWH

Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation si San Carlos City Mayor Rene Gustilo para alamin kung sino at kung paano pineke ang kanyang lagda para sa tatlong ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Engr. Pedrito Bautista, assistant district engineer ng DPWH 5th Engineering District Negros Occidental, nadiskubre ang mga ghost project matapos magpa-update ang tatlong contractors ng kanilang information for eligibility sa DPWH.

Kasama sa mga diskubre na ghost projects ay ang  P151.5 milyon flood control project sa Palampas River na awarded sa APO General Construction mula sa Mountain Province, P77.5 milyon sa Andoon River na awarded sa EKC Construction mula sa Benguet, at  P77.3 milyon sa Higalaman River, Barangay Guadalupe na awarded  sa Jaben Contracting Engineering Services mula sa Benguet.

Napag-alaman din na walang koordinasyon sa local government units ang dapat sanang implementasyon ng naturang mga proyekto.

Facebook Comments