
Patuloy pang pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Konektadong Pinoy Bill na nakatakda nang mag-lapse into law sa Linggo, August 24.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nananatiling bukas ang Malacañang sa pakikipagtulungan sa mga telecommunication companies (telcos) para sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations (IRR), sakaling maisabatas ang panukala.
Gayunman, hindi pa rin tiyak ng Palasyo kung lalagdaan ng pangulo ang panukala o hahayaang mag-lapse into law.
Layunin ng Konektadong Pinoy Bill na palawakin ang internet access at pababain ang presyo ng serbisyo sa bansa sa pamamagitan ng mas maluwag na regulasyon upang mahikayat ang mas maraming telco na pumasok sa merkado.
Facebook Comments









