Laging maging Handa sa anu mang Sakuna!- Governor Bai Mariam

Puspusan ngayon ang mga pagsisikap ng Maguindanao Government kaugnay sa mga kinakaharap na pagsubok na hatid ng man-made at natural na kalamidad sa ilang bayan sa lalawigan.

Kaugnay nito hinihimok ngayon ni Maguindano Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang lahat ng mga opisyales ng ibat ibang bayan katuwang ang mga security forces na lalo pang palakasin ang mga ginagawang inisyatiba lalo na sa pag-iwas o pagharap sa kalamidad para na rin sa kaligtasan ng bawat residente.

Kasabay ng kanyang unang buwan na pagkakaupo bilang gobernador, kahapon, pinangunahan ni Governor Bai Mariam ang isinagawang Joint Provincial Development Council, Peace and Order Council, Anti- Drug Abuse Council at Disaster Risk Reduction Management Council Meeting.


Sinasabing halos lahat ng mga alkalde mula sa 36 na bayan ng Maguindanao ay dumalo sa meeting

Present rin sa aktibidad si 6th ID Commander BGen Diosdado Carreon, PDEA ARMM RD Juvenal Azurin, PNP Maguindanao PD Col Arnold Santigao at mga heads ng ibat ibang ahensya.

Nangako naman si GMSM na tumatayong chairman ng council, na gagawin ang lahat ng makakaya para maipadama sa kanyang mga kababayan ang Makabagong Maguindanao sa tulong na rin ng mga kawani ng PGO at ng ibat ibang stakeholders.

Ito ang kauna unahang pagpupulong at paghaharap sa pagitan ng Agila ng Maguindanao at mga Alklade matapos ang May 13 elections.(D.A)

Facebook Comments