LAGLAG BARYA GANG | P2 milyong halaga ng ari-arian, nalimas

218

Pasay City – Halos P2 milyong halaga ng pera at mga gamit ang natangay ng “Laglag-Barya Gang” sa isang negosyante sa parking lot ng ospital sa Pasay City.

Sa kuha ng dash cam ng isang motorista, kitang nilapitan ng grupo ang isang puting SUV at kinatok ang bintana ng kotse habang itinuturo ang barya at susi na nahulog umano mula sa SUV.


Nangmakababa ang babaeng driver, agad binuksan ng nag-aabang na lalaki ang kaliwang pinto ng SUV saka tinangay ang bag ng biktima.

Nagpulasan din agad ang mga suspek pagkakuha ng bag kabilang na ang tatlong babaeng nagsilbi lookout ng grupo.

Ayon kay Supt. Gene Licud ng Pasay City Police, nasa P1.7 milyon ang halaga na nakuha ng suspek kabilang na ang mamahaling bag, relo, cash, at alahas.

Aniya, target ng grupo ang mga babaeng mag-isang nagmamaneho at may dalang gamit sa loob ng sasakyan.



Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng anim na suspek habang pinag-aaralan na rin kung may iba pang sangkot sa modus.


Nanawagan naman ang pulisya sa publiko na mag-ingat sa mga katulad na modus lalo na ngayong papalapit ang Pasko.

Facebook Comments