Lagpas sa 26 million enrollees, target ng DepEd para sa school year 2021-2022

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na malalagpasan ng kagawaran ang target na 26 milyong mag-aaral na makakapag-enroll para sa school year 2021-2022.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, bagama’t malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa pag-aaral ng mga mag-aaral, umaasa pa rin silang marami pa rin ang enrollees ngayong taon.

Nabatid na as of August 24 ay nasa 7.91 million mag-aaral pa lamang ang nakakapag-enroll kung saan 3.18 million ang nasa pampublikong paaralan at 164,022 ang nasa pribado.


Nangunguna ang Calabarzon sa pinakamaraming nagpalista na mayroong 1,153,088 ang bilang; sinundan ng National Capital Region na may 688,668 at Central Luzon na 676,093.

Magsisimula ang school year 2021-2022 ang September 13.

Facebook Comments