Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City, ibababa na sa Modified ECQ simula sa Lunes

Inanunsiyo ng MalacaƱang na ibababa na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Laguna, at mga lungsod ng Iloilo at Cagayan de Oro simula sa Lunes, August 16.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ilagay ang mga ito sa mas mababang quarantine restrictions mula sa umiiral ngayon na ECQ.

Sa kabila niyan, nananatili sa ECQ ang Metro Manila hanggang Agosto 20 at lalawigan ng Bataan hanggang Agosto 22.


Facebook Comments