Laguna, isasailalim na sa state of calamity dahil sa pinsala ng bagyong Maring

Manila, Philippines – Dahil sa lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Maring, isasailalim na sa state of calamity sa lalawigan ng Laguna.

Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, base sa provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa walong daan dalawamput walo (828) na pamilya o 4,140 na indbidwal ang nasa mga evacuation center.

Sa latest monitoring ng Laguna PDRRMO, anim ang nawawala sa lalawigan dahil sa baha.


Samantala, nasa evacuation center pa rin ang ilang pamilya na inilikas dahil sa landslide kahapon sa barangay Dolores, Taytay, Rizal.

Ayon kay PDRRMO Officer Loel Malonzo, patuloy ang tulong na ibinibigay sa mga nasalanta ng bagyo, partikular sa dalawang magkapatid na namatay sa insidente.

Patuloy ang clearing operation at damage assessment ng Rizal PDRRMO sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Maring.

Facebook Comments