Laguna Lake, pinapakonsidera ng isang mambabatas bilang additional source of fresh water

Iminungkahi ni Makati 2nd District Rep. Luis Campos na ikonsidera ang Laguna Lake bilang karagdagang source ng fresh water para sa National Capital Region na madalas nakakaranas ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Sinabi ito ni Campos sa pagdinig ng Committee on Metro Manila Development ukol sa estado ng suplay ng tubig sa harap ng nakaambang epekto ng El Niño phenomenon lalo na sa Kalakhang Maynila.

Una ring naghain si Campos ng panukalang batas na magbibigay-daan sa pagamit sa Laguna Lake water bilang karagdagang pagkukunan ng tubig.


Binigyang diin ni Campos na malaki ang maitutulong ng Laguna Lake tuwing bumababa ang water level at nagkakaroon ng water shortage lalo na tuwing panahon ng tag-init.

Sa pagkakaalam ni Campos ay kumukuha na rin ng tubig ang Manila Water at Maynilad mula sa Laguna Lake pero malaki ang gastos sa filtration para ito ay malinis.

Kaya giit ni Camps, mahalagang makabuo ng economical position sa pag-aaral ukol sa Laguna Lake dahil mahal ang cost ng filtration nito.

Facebook Comments