Laguna Provincial Police Office Director, sinibak sa puwesto kaugnay sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero

Sinibak sa pwesto si Laguna Provincial Police Office Director P/Col. Rogarth Campo.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson P/Col. Jean Fajardo.

Aniya, sinibak si Campo para hindi maimpluwensyahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG kaugnay sa kaso ng nawawalang mga sabungero.


Matatandaang inakusahan ng e-sabong operator at kilalang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si Campo na tumanggap umano ng isang milyong piso mula sa kaniya.

Bukod dito, positibo ring itinuro si Campo ng mga humarap na saksi sa Senado hinggil sa umano’y pagdidispatsa sa mga nawawalang sabungero

Epektibo kahapon, naka-assign na si Campo sa Personnel Administrative Unit ng Directorate for Personnel and Records Management o DPRM habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon

Facebook Comments