Lagundi at VCO, ‘natural remedy’ laban sa mild COVID-19 symptoms – DOST

Lumabas na epektibo sa isinagawang clinical trial ang lagundi at virgin coconut oil (VCO) laban sa mild COVID-19 symptoms.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevara, ang lagundi ay nagbigay ginhawa sa mga may mild COVID-19 symptoms batay sa clinical trial na natapos noong Agosto 2021 kung saan may 278 participant.

Aniya, ang mga adult na may mild cases ay pinainom ng 600 milligrams (MG) ng lagundi, tatlong beses araw-araw sa loob ng sampung araw.


“Maganda ang naging resulta dahil naibsan ang mga sintomas ng mild COVID-19 cases lalo na iyong pagkawala ng pang-amoy at walang adverse event or incidents kapag ginamit ang Lagundi sa mga mild COVID-19 cases,” ani Guevara

Sinabi rin ni Guevara na maaari ring inumin ang VCO bilang gamot sa mild COVID-19 symptoms.

“Base sa community trials ng DOST-Food and Nutrition Research Institute sa Sta. Rosa, kung saan nilalagay nila ang VCO sa pagkain ng mga participants na mild COVID cases bilang dagdag sa standard na pangangalaga. Nababawasan ang mga sintomas ng mild COVID cases at hindi nagiging severe case at mas maaga silang gumagaling.”

Facebook Comments