Lahat ng ahensya na may confidential and intelligence funds, pinapa-audit ng isang kongresista sa COA

Iginiit ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party-list Representatives Arlene Brosas sa Commission on Audit (COA) na isailalim sa matinding audit ang mga confidential and intelligence funds na inilaan sa mga ahensya ng pamahalaan.

Hirit ito ni Brosas sa COA makaraang ipa-subpoena ng House Appropriations Committee ang audit reports ukol sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) mula 2022 hanggang 2023.

Ipinunto ni Brosas na kailangan pa ng subpoena sa COA para maglabas ng report gayong dapat naman talaga ilabas ‘yan ng gobyerno dahil pera ng taumbayan ang pinag-uusapan.


Tinukoy rin ni Brosas ang nakakaalarmang alokasyon ng confidential and intelligence funds sa ilalim ng 2024 National Budget para sa Office of the President na nagkakahalaga ng ₱4.56 billion.

Binanggit din ni Brosas na para sa 2025 ay umakyat ito sa ₱10.29 billion kung saan ang ang ₱4.37 billion ay confidential at ₱5.92 billion ay intelligence funds.

Diin ni Brosas, kailangang pairalin ang transparency and accountability sa nabanggit na ‘secret funds’ dahil bukas ito sa maling paggamit at korapsyon.

Facebook Comments