Lahat ng ahensya ng pamahalaan, naka-full alert na dahil sa Bagyong Nando —PBBM

Naka-alerto na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para agad makapagbigay ng tulong at suporta sa mga apektadong lugar.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, mahigpit na niyang binabantayan ang epekto ng Super Typhoon Nando sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nakatanggap rin aniya sila ng ulat mula sa mga probinsya hinggil sa lakas ng hangin at kasalukuyang kondisyon ng ulan.

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na isinagawa na ang mga preemptive evacuation at agad tinutugunan ang pangangailangan ng mga nasa evacuation centers.

Inaasahan namang magsasagawa ng situation briefing ang pangulo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bukas.

Bukod sa national government agencies, iniutos din ng pangulo sa Office of Civil Defense (OCD) na pakilusin ang local government units upang tumugon sa posibleng epekto ng bagyo.

Facebook Comments