Lahat ng assets ng BFP, pinakikilos  na ng DILG para sa road clearing operations sa mga lalawigan na napinsala ng pag-putok ng Bulkang Taal

Inobliga na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Bureau of Fire Protection (BFP) na i-mobilize ang lahat ng resources nito para tumulong sa road-clearing and cleaning operations dahil sa pag-putok ng Bulkang Taal.

Partikular na iniutos ni DILG Secretary Eduardo Año ang pagdeploy ng mga Fire trucks at iba pang assets ng BFP to deploy all its firetrucks para sa paglilinis ng ashfull at volcanic debris  sa lahat ng apektadong lalawigan.

Paliwanag ni Año habang nagpapatuloy ang pagbuga ng abo at iba pang volcanic debris ang Taal Volcano volcanic debris, kailangan aniyang maging consistent sa clearing operations.


Sinabi ni Año, mayroong 531 fire personnel ang BFP Calabarzon , 147 firetrucks, 39 Emergency Medical Service personnel, at 9 ambulansiya na may kakayahan sa road flushing activities.

Facebook Comments