Inobliga na ng Department of Interior and Local Government ang Bureau of Fire Protection na i-mobilize ang lahat ng resources nito para tumulong sa road-clearing and cleaning operations dahil sa pagputok ng bulkang Taal.
Partikular na iniutos ni DILG Secretary Eduardo Año ang pagdeploy ng mga fire trucks at iba pang assets ng BFP para sa paglilinis ng ashfall at volcanic debris sa lahat ng apektadong lalawigan.
Paliwanag ni Año habang nagpapatuloy ang pagbuga ng abo at iba pang volcanic debris ang, kailangan aniyang maging consistent sa clearing operations.
Sinabi ni Año na mayroong 531 fire personnel ang BFP.-Calabarzon , 147 firetrucks, 39 emergency medical service personnel, at 9 ambulansiya na may kakayahan sa road flushing activities
Facebook Comments