City of Ilagan, Isabela – Maagang nagkasa ng paglilinis at pag-aayos sa paligid ang lahat ng residente ng bawat barangay sa lungsod ng Ilagan kaugnay sa Disaster Risk Reduction and Management Day.
Ayon kay ginoong Paul Bacungan, ang tagapagsalita ng pamahalaang panglunsod ng Ilagan na nararapat lamang umano na makiisa ang lahat sa nasabing aktibidad dahil sa halos kalahati sa siyamnapu’t isang barangay ng lungsod ay nababaha sa panahon ng tag-ulan o anumang sakuna.
Gayunman, ay lagi naman umano nakahanda ang pamunuan ni Mayor Evelyn “Mudz” Diaz na magbigay ng kasanayan upang hindi magkaroon ng problema sa anumang sakuna.
Samantala kaalinsabay sa araw na ito ang isinagawang SSS Sulit Conference sa isang hotel sa naturang lungsod kung saan ay ipaliwanag ng SSS ang kanilang mga programa sa mga pribadong institusyon at umabot sa mahigi’t kumulang sa tatlong daan ang dumalo sa nasabing aktibidad.