Lahat ng bus companies sa bansa, minamandato na magpatupad na ng online booking system

Hinimok ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang lahat ng mga bus company na ganap na magpatupad na ng online booking system upang mas maginhawa ang proseso ng biyahe ng mga kababayan lalo ang mga humahabol sa pag-uwi para sa Bagong Taon.

Giit ni Pimental, ito ay para aniya mabawasan ang mga tao at mahabang pila sa mga terminal.

Nagbibigay aniya ang online booking ng katiyakan sa mga pasahero na mayroon silang ticket at siguradong upuan sa bus.


Binigyang-diin ng senador na bagama’t maraming kumpanya ng bus ang nagpapatupad na ng online ticketing system ay may ilan pa ring nakadepende sa over-the-counter transactions na siyang nagpapatagal at nagpapasikip lalo sa mga terminal.

Nanawagan si Pimentel sa Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang posibilidad na imandato sa mga bus company ang ganitong online payment para sa terminal fees.

Facebook Comments