Lahat ng consular offices ng DFA, sarado sa araw ng eleksyon

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado ang lahat ng consular offices nito sa buong bansa sa araw ng eleksyon, May 13.

Ito ay kasunod ng Proclamation no. 719 na inisyu ng executive secretary, na nagdedeklara sa May 13 bilang special non-working holiday sa buong bansa para sa national at local elections.

Ang mga aplikante na may confirmed passport appointments sa May 13 ay i-a-accommodate sa kanilang original site mula May 14 hanggang 31, maliban tuwing Sabado.


Kinakailangang dalhin ng aplikante ang printout ng kanilang confirmed passport appointment kasama ang iba pang requirements para sa passport application.

Ang DFA ay nag-iisyu ng nasa 10,000 pasaporte kada araw o tatlong milyong pasaporte kada taon, pero tumaas ang demand ng hanggang 25,000 bawat araw lalo na kapag peak travel seasons gaya ng Pasko at summer holidays.

Facebook Comments