Lahat ng COVID-19 vaccines, naikalat na sa 3,000 vaccination sites sa bansa- NTF

Naipakalat na sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang 100% ng mga COVID-19 vaccines na hawak ngayon ng Pilipinas, o kabuuang 3,025,600 doses.

Base sa datos ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 1,562,563 doses ang naiturok na sa priority sector.

Nasa 76% naman ng bakuna na inilaan para sa first dose ay naiturok na, habang 12% naman para sa second dose ay naiturok na rin.


Nagpapatuloy ang paggulong ng COVID-19 vaccination program sa 3,263 vaccination sites sa 17 rehiyon sa bansa.

Ayon sa NTF, bagama’t mayroong priority list na sinusunod ang pamahalaan sa pagbabakuna, hinihikayat pa rin ang lahat na agad magpabakuna sa oras na dumating na ang kanilang pagkakataong mabakunahan, upang makaiwas sa pagkakaroon ng severe case ng COVID-19.

Facebook Comments