Lahat ng elevators at escalators sa mga istasyon ng tren, napapakinabangan na ng publiko ayon sa MRT 3 management

Napapakinabangan na lahat ng 34 na elevators at ang 46 na escalators ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT 3) stations.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways TJ Batan, dalawa na lang ang natitirang sirang escalator at kapag dumating na ang mga spare parts mula sa ibang bansa saka lamang ito makukumpuni.

Aniya, natigil ang production at delivery ng mga kinakailangang kagamitan noon dahil sa global COVID-19 pandemic lockdowns.


Bago pinasimulan ang rehabilitation works ng Japanese contractor na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries-TESP, 19 lamang ng kabuuang 46 na escalators at 27 ng 34 elevators ang
operational.

Nasa 40,860 ng kabuuang 65,892 linear meters ng riles ang naikabit na sa MRT lines hanggang June 2, 2020.

Puntirya ng MRT 3 na makumpleto ang rail replacement works sa Setyembre ngayong taon.

Facebook Comments