Lahat ng entrance gates sa NAIA 3, binuksan na sa mga dumadagsang pasahero

18

Manila, Philippines – Binuksan na ng Manila International Airport Authority ang anim na entrance gates sa NAIA T3.

Layon nito na maiwasan ang mahabang pila ng mga sasakyan na pumapasok sa paliparan.

Ilan kasing pasahero ang nalito at inakalang sarado ang ilang entrance gates sa NAIA 3 kaya nagdulot ito ng paghaba ng pila ng mga sasakyan papasok sa airport

Muli namang pina-alalahanan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga pasahero na agahan ang pagtungo sa mga paliparan dahil sa ina asahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsada patungong airport ngayong Semana Santa.
Joyce Adra

Facebook Comments