Lahat ng government offices sa Metro Manila, walang pasok sa April 27 at 28 dahil sa ASEAN summit and related meetings

136

Manila, Philippines – Idineklara ng Malakanyang nanon-working holiday ang April 27 (huwebes) sa lahat ng government offices sa Manila,Makati at Pasay City.
 
  May kinalaman ito sa Association of Southeast AsianNations (ASEAN) summit and related meetings sa April 27 hanggang April 28.
 
  Batay sa memorandum circular 18 na inilabas ng Palasyo, non-workingholiday din ang April 28 (Friday) para sa government at private offices sabuong Metro Manila at wala ring pasok ang mga estudyante sa lahat ng antas.
 
  Samantala, ipinauubaya na ng Malakanyang sa mgaapektadong Local Government Units (LGUs) ang pagdedesisyon kung magsususpindeng trabaho sa April 29.

Facebook Comments