Lahat ng Huey choppers ng PAF, nais ipa-decommission ni Pangulong Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipa-decommission ang lahat ng Huey helicopters ng Philippine Airforce kasunod ng aksidenteng kinasasangkutan ng mga ito.

Kabilang na ang pagbagsak ng PAF chopper sa Bukidnon noong January 16 kung saan pitong sundalo ang namatay.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais na niyang palitan ang lahat ng Huey helicopters.


Nakalulungkot aniya na maraming buhay ang nawawala dahil sa pagpalya ng mga helicopters.

Plano ng Pangulo na bumili ng anim o pitong bagong helicopters para sa Air Force.

Sa ngayon, grounded ang lahat ng Huey helicopters kasunod ng nangyari sa Bukidnon, kung saan ang UH-1H at UH-1D models o Hueys ay Vietnam War-era helicopters na inayos lamang.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mayroong kasalukuyang procurement program para i-modernize ang PAF fleet.

Samantala, inaasahang darating ngayong taon sa bansa ang 10 Blackhawk helicopters na inorder noong 2019.

Facebook Comments