Lahat ng kontrata ng gobyerno sa China, pinapalantad ng isang senador sa Malacañang

Nananawagan ngayon si Senator Risa Hontiveros sa Malacañang na isapubliko ang lahat ng kontrata sa China sa ngalan ng transparency at  accountability.

Ang hiling ni Hontiveros ay sa harap ng alegasyon na ginawang kolateral umano ng pamahalaan ang patrimonial assets ng bansa sa pag-utang sa China ng 62-Million Dollars na pangpondo sa Chico River Project.

Nabatid na kaya hindi inilalantad ang mga kontrata ay dahil may confidentiality clause umano sa kontrata na kagustuhan ng China.


Pero giit ni Hontiveros, walang dapat itago sa publiko ang administrasyon kung para naman sa ikabubuti ng bayan ang lahat ng loan agreements na pinasok nito.

Diin pa ni Hontiveros, karapatan ng mamamayan na mabigyan ng impormashom ukol sa mga bagay na may epekto sa kapakanan ng bayan.

Facebook Comments