Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang lahat ng lokalidad ay kasama sa National COVID-19 Immunization Program.
Pahayag ito ng ahensya sa harap ng mga ulat na mapapag-iwanan sa mababakunahan ang mga maliliit na komunidad sa bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, sakop ng vaccination ang lahat ng Local Government Units (LGUs) mayroon man pondo o wala sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Ang Quezon City ang unang nakipagnegosasyon para sa sarili nitong supply ng COVID-19 vaccines.
Ang mga ginagawang hakbang ng mga LGU ay augmentation o tulong sa ginagawa ng national government sa pagtitiyak ng supply ng bakuna.
Facebook Comments