Lahat ng lugar sa Pilipinas, nasa low risk na ng COVID-19

Inihayag ng Department of Health (DOH) bilang low risk sa COVID-19 ang lahat ng lugar sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa low risk classification na rin maging ang mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 2.

Gayunman, patuloy pa rin aniya ang pagpapataas ng vaccination rates sa mga lugar na nasa Alert Level 2 para mapababa pa ang alerto nito.


Sa tala ng National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot na sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa.

Nasa 64 milyong Pilipinos ang fully vaccinated na habang 10.7 million ang nakatanggap na ng booster shots.

Facebook Comments