Tuesday, January 27, 2026

Lahat ng mga ipina-subpoena ng Blue Ribbon Committee, ipa-co-contempt sa susunod na pagdinig

Malaki ang tsansang ipa-contempt na sa susunod na pagdinig ang mga ipina-subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson, “ripe for contempt” ang mga resource persons na inisyuhan sa huling pagdinig ng show cause order.

Gayunman, kailangang gawin sa pagdinig ng komite ang pormal na pagpapacontempt sa mga ito.

Iginiit pa ni Lacson na walang pagbibigyan kahit pa nasa ospital ang mga ipaco-contempt na resource person dahil magiging unfair o hindi patas ito para sa iba.

Sa inisyung show cause order, hindi tumugon dito ang dating Marines na si Orly Guteza, Mark Ticsay at Paul Estrada na pawang mga staff ni dating Cong. Zaldy Co.

Sa ngayon ay wala pang itinatakdang susunod na petsa ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Facebook Comments