Lahat ng mga pinoy na PWD, otomatiko na ring miyembro ng Philhealth

Otomatiko na ring miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang mga persons with disability (PWDS).

Ito’y makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang February 22 ang Republic Act 11228 o “an act providing Philhealth coverage for all persons with disability” na mag-aamyenda sa Magna Carta for Persons With Disability.

Sa ilalim nito, sasagutin na ng gobyerno ang bayad sa kontribusyon ng PWD sa Philhealth habang ang mga PWD na may trabaho ay pagtutulungang bayaran ng gobyerno at employer.


Kukunin ang pondo para rito sa national health insurance fund ng Philhealth na manggaling naman sa excise tax sa alak at sigarilyo.

Inaatasan din ng batas ang Philhealth na gumawa ng exclusive package para sa mga espisipikong pangangailangan ng pwds.
Makakatuwang ng Philhealth ang DOH, DSWD, DOLE, National Council for Disability Affairs at ng mga local government unit.

Facebook Comments