Lahat ng mga Punong Barangay pinulong ni QC Mayor Belmonte para ipatupad ang kautusan ng DILG

Pinulong ni QC Mayor Joy Belmonte ang 143 na mga Barangay Chairman sa Quezon City upang mahigpit na ipatupad ang Memorandum Circular ng DILG  na linisin ang lahat ng mga illegal structures sa Lungsod at mga illegal vendors at Parking sa Lungsod.

 

Ayon kay Mayor Belmonte kinakailangan maunahan ng mga Barangay Chairman na linisin ang mga Barangay na kanilang nasasakupan bago sila maunahan ng DILG na  magsagawa ng pag iinspeksyon sa kanilang nasasakupan.

 

Paliwanag ng alkalde iba ang kanilang pamamaraan sa paglilinis sa QC dahil dinadaan nila ng dimplomasya o pakiusap dahil nirerespeto aniya nila ang mga vendor na linisin ang kanilang mga kalat o mga nakahambalang bago sila gagawa ng kaukulang aksyon.


 

Giit ni Belmonte na alam ng mga Barangay Chairman kung saan mga lugar sa kanilang nasasakupan  ang maraming nakasagabal sa mga sasakyan kayat kinakailangan sa loob ng 60 araw  ay matatapos na nila ang problema sa lansangan.

Facebook Comments