Lahat ng rehiyon sa bansa, low risk na sa COVID-19  – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na lahat ng rehiyon sa bansa ay low risk na sa COVID-19 maliban sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Davao Region.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na bumababa ang naitatalang average reported cases sa bansa.

Sa kasalukuyan, bumaba aniya sa 52 percent ang average reported cases nitong February 11 hanggang 17 kumpara sa naitalang 54 percent noong Pebrero 4 hanggang 10.


Sinabi rin ni Vergeire na ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nagpakita ng negative two-week growth rate.

Nasa low risk din aniya ang healthcare utilization rate sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Davao Region na nasa moderate risk ang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate.

Facebook Comments