Lahat ng rehiyon sa bansa, nakapagtala ng positibong paglago sa ekonomiya noong 2021

Nakabawi ang labimpitong rehiyon sa bansa sa kanilang ekonomiya noong 2021 kung ikukumpara noong 2020 na rurok ng COVID-19 pandemic.

Batay ito sa mga datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), kabilang sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamabilis na economic growth ay ang Calabarzon na umabot sa 7.6% noong nakalipas na taon mula sa negative 10.5% noong 2020.

Sumunod dito ang Bangsamoro at Cordillera regions na parehong lumago ng 7.5% ang ekonomiya.


Gayundin ang Central Luzon na may 7.4% at ncr na may 5.7% na paglago.

Malaki ang ambag nang pagbangon ng services sector sa National Capital Region (NCR) industry sector sa Calabarzon at agriculture sector sa Central Luzon.

Bukod dito, pareho ring naging positibo ang government at household spending noong 2021.

Facebook Comments