
Tiniyak ng Toll Regulatory Board o TRB na 100% bukas at fully operational ang lahat ng toll lanes sa mga expressway lalo na sa peak hours ng holiday rush.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni TRB Spokesperson Julius Corpuz, mahigpit na binabantayan ang mga toll plaza bago at pagkatapos ng Pasko upang maiwasan ang matinding trapiko at abala sa mga biyahero.
Dagdag pa niya, naka-full deployment ang mga toll operator ng tauhan, kabilang ang security, traffic management teams, at patrol units.
Naka-standby rin ang mga incident response team tulad ng ambulansya, tow trucks, medical personnel, at fire trucks para sa agarang tulong sakaling may emergency.
Facebook Comments









