Lahat ng unprogrammed funds sa national budget, pinatatanggal ng isang senador

Inirekomenda ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na tanggalin na ang lahat ng probisyon ng “unprogrammed funds” sa ilalim ng national budget.

Binigyang-diin ng senador na walang transparency ang unprogrammed funds at natuklasan pang nagagamit ito sa maanomalyang proyekto.

Ayon kay Gatchalian, sa unprogrammed funds ay lumpsum ito at hindi nakadetalye ang item kaya mistula aniya itong pork barrel.

Giit ni Gatchalian, mapopondohan lamang ang unprogrammed funds kung may sobrang pondo ang gobyerno.

Mas mainam aniyang “programmed” na lamang ang pondo upang mapangasiwaan ang ating deficit at mas transparent ito dahil kitang-kita kung ano ang mga proyekto.

Facebook Comments