Pinamamadali ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagpapatibay sa panukala na layong ipagbawal ang anumang uri ng online gambling activities sa bansa.
Sa Senate Bill 1281 o ang “Anti-Online Gambling Act” ng senador ay isinusulong na gawing labag sa batas ang lahat ng uri ng sugal sa online o internet kasama ang mga online gambling na may taya at pusta.
Iginiit ni Villanueva na lubha nang malala ang consequences o kinahinatnan ng online gambling sa bansa na nauwi na sa pagkasira ng buhay at pamilya kaya hindi ito dapat balewalain.
Bukod dito, naging dahilan din ang mga online gambling ng bankruptcy at criminal activities.
Kapag naging ganap na batas, ang mga lalabag ay maaaring maharap pagkakabilanggo ng hanggang limang taon at multa na hanggang P500,000.
Mahaharap naman sa maximum penalty kung ang lumabag dito ay isang public officer o employee kaakibat ng tuluyang pag-disqualify sa paghawak ng anumang posisyon sa alinmang opisina o ahensya ng gobyerno.