Tuluyan ng ipagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng uri ng paputok.
Sa kaniyang talumpati sa San Jose del Monte City, Bulacan, sinabi ng Pangulo na para maging patas, ipagbabawal na niya sa buong bansa ang lahat ng uri ng paputok.
Aniya, hindi na dapat madagdagan ang bilang ng mga napuputukan ng bahagi ng katawan o nasasabugan ng paputok sa mukha.
Kasabay nito, pinawi rin ng Pangulo ang paniniwala na maitataboy ng mga paputok ang masamang espiritu.
Una nang naglabas si Duterte ng Executive Order 28 na naglilimita sa paggamit ng mga paputok at pagtatakda ng community fireworks display sa bawat barangay o komunidad.
Iniutos rin ng Pangulo noong nakaraang Oktubre ang pagsuspinde sa pagproseso ng mga lisensiya at permit sa paggawa, pagbebenta ng mga paputok at pyrotechnic devices.