Ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at ang acetes o alamang sa ilang bahagi ng mga mariculture areas sa lalawigan ng Pangasinan at La Union, ito ay ayon sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 11, Series of 2023 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Ilocos Region.
Maaari at ligtas kainin ang mga shellfish products na mula sa mga coastal areas ng Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani sa Pangasinan, Rosario and Sto. Tomas naman sa La Union.
Siniguro ng ahensya na ito ay ligtas para sa human consumption o pagkain at free sa Toxic Red Tides.
Samantala, ang mga shellfish na apektado ng Toxic Red Tides ay hindi maaaring kainin dahil magreresulta ang pagkain nito ng ilang mga digestive problems tulad ng gastrointestinal at neurological distress, pagduduwal, pagtatae, pagkahilo, pananakit ng kalamnan, pangingilig sa dila, labi, lalamunan at mga paa’t kamay.
Bagamat ligtas ang mga ito ay mainam kung irequire pa rin ng market inspectors, quarantine officers, at administrators para magdemand sa mga traders ng Auxiliary Invoice na issued by LGU mula sa point of origin o Local Transport Permit na issued ng BFAR upang na ang lahat ng isda at mga fish products gaya ng seaweeds at shellfish na dinadala sa mga market ay hindi galing sa mga lugar na positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poisoning. |ifmnews
Facebook Comments