Layunin ng aktibidad na alalahanin at bigyang-pugay ang kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Matapos ang seremonya, nagsagawa rin ng coastal clean-up ang mga kalahok bilang simbolikong pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan, partikular ng mga baybayin ng Lingayen.
Kabilang sa mga nakiisa ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Lingayen Branch, mga beterano ng digmaan, reservists, at cadets mula sa iba’t ibang paaralan sa Western Pangasinan, at mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa tanggapan, ang ganitong mga aktibidad ay hindi lamang pag-alala sa kasaysayan kundi pagpapakita rin ng malasakit sa kapaligiran at pagpapatibay ng diwa ng pagkakaisa sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










