Lakas-CMD, nasa proseso ng pag-adopt sa nais maka-tandem ni Inday Sara sa pagka-presidente

kinumpirma ni Lakas-CMD Chairman Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang Vice Presidential bet sa 2022 Elections.

Ayon kay Revilla, sa ngayon ay nasa proseso na ang kanilang partido sa pag-adopt sa kanilang magiging standard bearer na magiging ka-tandem ni Inday Sara.

Hindi ito pinangalanan ni Revilla pero tiniyak na ito ang Dream-Tandem na aakay sa bansa tungo sa hinahangad nating pagbangon mula sa pandemya at tuloy-tuloy na progreso.


Kasabay nito ay inihayag ni Revilla na marami ngayon ang nais sumapi sa partido Lakas para suportahan ang pagtakbo sa pagkabise presidente ni Mayor Sara.

Dahil dito ayon kay Revilla, palalawakin pa nila ang kanilang membership.

Sabi ni Revilla, kikilos ang buong makinarya ng Lakas-CMD para sa ikatatagumpay ng kandidatura ni Mayor Sara.

Facebook Comments